Surah Al-Maa'un — Almsgiving

Surah Al-Maa'un (Almsgiving) — 107/114 · 7 ayah. Basahin at pakinggan na may tekstong Arabe at salin sa Filipino.

أَرَءَيۡتَ ٱلَّذِي يُكَذِّبُ بِٱلدِّينِ

Napagmamasdan mo ba siya na nagtatatwa sa Paghuhukom (na daratal)

Ayah 1

فَذَٰلِكَ ٱلَّذِي يَدُعُّ ٱلۡيَتِيمَ

Kung gayon, siya nga ang (may kagaspangan sa pag-uugali) na tumatangging magbigay ng tulong sa ulila

Ayah 2

وَلَا يَحُضُّ عَلَىٰ طَعَامِ ٱلۡمِسۡكِينِ

At hindi natitigatig na magbigay ng biyaya upang pakainin ang naghihikahos

Ayah 3

فَوَيۡلࣱ لِّلۡمُصَلِّينَ

Kaya’t kasawian (sa mga mapagkunwari) na nagsasagawa ng pagdalangin

Ayah 4

ٱلَّذِينَ هُمۡ عَن صَلَاتِهِمۡ سَاهُونَ

Na nagpapabaya ng kanilang pagdalangin sa takdang oras

Ayah 5

ٱلَّذِينَ هُمۡ يُرَآءُونَ

Na nagsasagawa lamang ng kabutihan upang mamalas (ng mga tao)

Ayah 6

وَيَمۡنَعُونَ ٱلۡمَاعُونَ

Datapuwa’t tumatangging magbigay ng kahit na katiting na tulong (alalaong baga, kahit na isang dakot na asin, asukal, isang baso ng tubig, atbp)

Ayah 7