Surah Az-Zalzala — The Earthquake

Surah Az-Zalzala (The Earthquake) — 99/114 · 8 ayah. Basahin at pakinggan na may tekstong Arabe at salin sa Filipino.

إِذَا زُلۡزِلَتِ ٱلۡأَرۡضُ زِلۡزَالَهَا

Kung ang Kalupaan ay mayanig sa kanyang (matinding) paglindol

Ayah 1

وَأَخۡرَجَتِ ٱلۡأَرۡضُ أَثۡقَالَهَا

At kung ang Kalupaan ay magluwa ng kanyang mga dalahin

Ayah 2

وَقَالَ ٱلۡإِنسَٰنُ مَا لَهَا

At ang tao ay magsasabi: “Ano 968 ang nangyayari (at nagpapagulo) sa kanya?”

Ayah 3

يَوۡمَئِذࣲ تُحَدِّثُ أَخۡبَارَهَا

Sa Araw na kanyang ipagsasaysay ang balita at kaalaman (sa mga naganap sa kanya na mga kabutihan at kasamaan)

Ayah 4

بِأَنَّ رَبَّكَ أَوۡحَىٰ لَهَا

Sapagkat ang iyong Panginoon ay nagbigay sa kanya ng tagubilin

Ayah 5

يَوۡمَئِذࣲ يَصۡدُرُ ٱلنَّاسُ أَشۡتَاتࣰ ا لِّيُرَوۡاْ أَعۡمَٰلَهُمۡ

Sa Araw na ang sangkatauhan ay magsisilakad sa magkakahiwalay na pangkat upang itambad sa kanila ang kanilang mga gawa

Ayah 6

فَمَن يَعۡمَلۡ مِثۡقَالَ ذَرَّةٍ خَيۡرࣰ ا يَرَهُۥ

Kaya’t sinuman ang gumawa ng mabuting gawa na katumbas ng bigat ng isang atomo (o isang maliit na langgam), ay makakamalas nito

Ayah 7

وَمَن يَعۡمَلۡ مِثۡقَالَ ذَرَّةࣲ شَرࣰّ ا يَرَهُۥ

At ang sinumang gumawa ng masamang gawa na katumbas ng bigat ng isang atomo (o isang maliit na langgam), ay makakamalas nito

Ayah 8